Add parallel Print Page Options

Kaagad, ako ay nasa Espiritu at narito, isang trono ang naroon sa langit at isang nakaupo sa trono. Ang siya na nakaupo ay katulad sa isang batong haspe at isang sardonise. Isang bahaghari ang nakapalibot sa trono na katulad ng isang esmeralda. Dalawampu’t apat na luklukan ang nakapalibot sa tronong iyon. Sa mga luklukang iyon, nakita ko ang dala­wampu’t apat na mga matanda na nakaupo roon. Sila ay nakasuot ng mapuputing damit at sa kanilang mga ulo ay may gintong putong.

Read full chapter