Add parallel Print Page Options

11 Darating ako agad; manindigan ka sa anumang nasa iyo, nang sa gayon ay walang makaagaw ng iyong korona. 12 Ang (A) nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos; at hindi na siya lalabas mula roon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit ng aking Diyos, at ang bago kong pangalan. 13 Makinig ang sinumang may pandinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

Read full chapter