Add parallel Print Page Options

Ngunit ang mga natatakot at ang mga hindi sumasam­palataya, ang mga kinamumuhian ng Diyos, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga manggagaway, mga sumasamba sa diyos-diyosan at lahat ng mga sinungaling, ang bahagi nila ay sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre. Ito ang ikalawang kamatayan.

Ang isa sa pitong anghel ay nagpakita sa akin. Sila ang mga anghel na may pitong mangkok na puno ng pitong huling mga salot at nagsalita sa akin: Halika rito. Ipapakita ko sa iyo ang babaeng ikakasal na asawa ng Kordero. 10 Dinala niya ako sa Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang isang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem. Ito ay bumababang buhat sa langit mula sa Diyos.

Read full chapter