Add parallel Print Page Options

Iti­napon siya sa walang hanggang kalaliman upang hindi na siya makapagligaw ng mga bansa. Sinarhan niya siya at nilagyan ng selyo sa ibabaw niya. Siya ay mananatili roon hanggang sa matapos ang isang libong taon. Pagkatapos ng mga bagay na ito kinakailangang pakawalan siya ng Diyos sa maikling panahon.

At nakita ko ang mga luklukan. Nakaupo rito ang mga tao at binigyan sila ng kapamahalaan upang humatol. Nakita ko ang mga kaluluwa ng mga lalaking pinugutan ng ulo dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at dahil sa salita ng Diyos. At nakita ko ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa kaniyang larawan. Hindi nila tinanggap ang kaniyang tatak sa kanilang mga noo at sa kanilang mga kamay. Ang mga taong ito ay nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ngunit hanggang sa matapos ang isang libong taon, ang mga natira na mga namatay ay hindi muling nabuhay. Ito ang unang pagkabuhay muli.

Read full chapter