Add parallel Print Page Options

Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot:
    mga sakit, kalungkutan, at gutom.
    Pagkatapos, susunugin siya,
    sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Dios na nagpaparusa sa kanya.”

“Iiyakan siya ng mga haring nakipagrelasyon sa kanya at nakisama sa kalayawan niya kapag nakita nila ang usok ng kanyang pagkasunog. 10 Tatayo lang sila sa malayo at magmamasid dahil takot silang madamay sa parusa sa lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Sayang! Sayang ang sikat at makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Sa loob lang ng maikling panahon[a] ay naparusahan siya!’

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:10 sa loob lang ng maikling panahon: sa literal, sa loob ng isang oras. Ganito rin sa talatang 17 at 19.