Add parallel Print Page Options

Narinig(A) ko mula sa langit ang isa pang tinig na nagsasabi,

“Umalis ka sa Babilonia, bayan ko!
    Huwag kang makibahagi sa kanyang mga kasalanan,
    upang hindi ka maparusahang kasama niya!
Sapagkat(B) abot na hanggang langit ang mga kasalanan niya,
    at hindi nalilimutan ng Diyos ang kanyang kasamaan.
Gawin(C) ninyo sa kanya ang ginawa niya sa iba,
    gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa.
Punuin ninyo ang kanyang kopa
    ng inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa iba.

Read full chapter