Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, (A) mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi,

“Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko,
    upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan,
at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay;
sapagkat (B) abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan,
    at binalingan ng Diyos ang kanyang mga kasamaan.
Ibalik (C) ninyo sa kanya kung ano'ng ibinigay niya,
    at bayaran ninyo siya ng doble sa kanyang mga gawa;
    sa pinaghaluan niyang kopa, ipaghalo ninyo siya ng doble.

Read full chapter