Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bansa ay uminom ng alak ng poot ng kaniyang pakikiapid. Ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kaniya. Ang mga manga­ngalakal sa lupa ay yumaman sa kahalayan ng kaniyang kayamanan.

Pagkatapos, nakarinig ako ng isa pang tinig mula sa langit na sinasabi:

Mga tao ko, lumayo kayo sa kaniya upang hindi kayo madamay sa kaniyang mga kasalanan, at upang hindi ninyo tanggapin ang kaniyang mga salot.

Ang kaniyang mga kasalanan ay nagkapatong-patong hanggang langit at naalala ng Diyos ang kaniyang masasamang gawa.

Read full chapter