Add parallel Print Page Options

Sapagkat (A) lahat ng bansa ay uminom
    ng alak ng kanyang kahalayan,
at sa kanya'y nakiapid ang mga hari ng daigdig,
    at mula sa kapangyarihan ng kanyang kaluhuan,
    ang mga mangangalakal ng daigdig ay nagpayaman.”

Pagkatapos, (B) mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi,

“Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko,
    upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan,
at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay;
sapagkat (C) abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan,
    at binalingan ng Diyos ang kanyang mga kasamaan.

Read full chapter