Add parallel Print Page Options

Sumigaw siya nang malakas, “Bumagsak na! Bumagsak na ang sikat na lungsod ng Babilonia. Tirahan na lang ito ngayon ng mga demonyo at masasamang espiritu, at mga kasuklam-suklam na ibon na itinuturing na marumi. Nangyari ito sa lungsod ng Babilonia dahil inakit nito ang mga tao sa buong mundo na sumunod sa imoralidad niya na kinamumuhian ng Dios. Ang mga hari sa mundo ay nakipagrelasyon sa kanya. At yumaman ang mga negosyante sa mundo, dahil sa kanila siya bumibili ng mga pangangailangan niya upang masunod ang bisyo at kalayawan niya.”

Pagkatapos, may narinig akong isa pang tinig mula sa langit na nagsasabi,

    “Kayong mga mamamayan ko, lumayo kayo sa kanya
    upang hindi kayo maging bahagi sa ginagawa niyang kasalanan,
    at upang hindi ninyo danasin ang parusang nakalaan sa kanya.

Read full chapter