Add parallel Print Page Options

At nakita ko ang babae na nalasing sa dugo ng mga banal at sa dugo ng mga saksi ni Jesus.

Nang makita ko siya, ako ay namangha ng labis na pama­mangha.

At sinabi ng anghel sa akin: Bakit ka namangha? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga tungkol sa babae at tungkol sa mabangis na hayop na nagdadala sa kaniya. Ang mabangis na hayop ay may pitong mga ulo at sampung mga sungay. Ang mabangis na hayop na iyong nakita ay ang sa nakaraan ngunit hindi ang sa ngayon. Siya ay aahon mula sa walang hanggang kalaliman at patungo sa kapahamakan. Ang mga taong nana­nahan sa lupa, sila na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay simula pa nang itatag ang sanlibutan, ay mama­mangha patungkol sa mabangis na hayop, kapag nakita nila ang mabangis na hayop na ito, na siyang sa nakaraan ngunit hindi ang sa ngayon at siyang darating pa.

Read full chapter