Add parallel Print Page Options

Kulay ube at pula ang damit ng babae, at may mga alahas siyang ginto, mamahaling bato, at perlas. May hawak siyang gintong tasa na puno ng kasamaan at karumihan niya dahil sa kanyang sekswal na imoralidad. Nakasulat sa noo niya ang pangalang ito na may lihim na kahulugan: “Ang sikat na lungsod ng Babilonia, ang ina ng lahat ng babaeng bayaran[a] at ng lahat ng kasamaan sa buong mundo.” At nakita kong lasing ang babaeng iyon sa dugo ng mga pinabanal[b] ng Dios na ipinapatay niya dahil sa pagsunod nila kay Jesus.

Namangha ako nang makita ko siya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:5 ina ng lahat ng babaeng bayaran: Maaaring ang ibig sabihin, ina ng lahat ng sumasamba sa mga dios-diosan.
  2. 17:6 pinabanal: Tingnan ang “footnote” sa 5:8.