Add parallel Print Page Options

13 Ang mga haring ito ay may iisang kaisipan. Ibibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapama­halaan sa mabangis na hayop. 14 Ang mga haring ito ay makiki­pagdigma laban sa Kordero. At lulupigin sila ng Kordero sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Ang mga tinawag niya at hinirang at ang mga tapat ay yaong makakasama niya.

15 Sinabi ng anghel sa akin: Ang mga tubig na iyong nakita na kinauupuan ng patutot ay mga tao at napakaraming tao at mga bansa at mga wika.

Read full chapter