Add parallel Print Page Options

Ang Babaing Nakupo sa Mabangis na Hayop

17 Ang isa sa mga pitong anghel na may taglay ng pitong mga mangkok ay lumabas at nagsalita sa akin na sinasabi: Halika rito. Ipapakita ko sa iyo ang hatol sa dakilang patutot na umuupo sa ibabaw ng maraming tubig.

Ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kaniya at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing ng alak ng kaniyang pakikiapid.

At dinala niya ako sa ilang sa Espiritu. Nakita ko ang isang babaeng umuupo sa ibabaw ng isang pulang mabangis na hayop. Ito ay puno ng mga pangalan ng pamumusong, at may pitong ulo at sampung sungay.

Read full chapter