Add parallel Print Page Options

16 At inilagay ng nakaupo sa ibabaw ng ulap ang kaniyang karit sa lupa at ginapas ang anihin sa lupa.

17 At isa pang anghel ang lumabas mula sa banal na dako na nasa langit. Siya rin ay may taglay na isang matalas na karit. 18 At may isa pang anghel ang lumabas mula sa dambana. Siya ay may kapamahalaan sa apoy. Tinawag niya sa isang malakas na tinig ang may taglay ng matalas na karit. Sinabi niya: Gamitin mo na ang matalas mong karit. Tipunin mo ang mga buwig ng ubas sa lupa sapagkat hinog na ang mga ubas sa lupa.

Read full chapter