Add parallel Print Page Options

13 At ako ay nakarinig ng isang tinig mula sa langit. Sinabi nito sa akin: Isulat mo ito. Pinagpala ang mga mama­matay sa Panginoon mula ngayon.

Sinabi ng Espiritu: Oo, sila ay dapat na mamahinga mula sa kanilang mga pagpapagal. Susundan sila ng kanilang mga gawa.

Ang Ani sa Lupa

14 At nakita ko at narito, ang isang puting ulap at sa ibabaw ng ulap ay may isang nakaupo na katulad ng Anak ng Tao. Siya ay may gintong putong sa kaniyang ulo. Sa kaniyang kamay ay may hawak na isang matalas na karit.

15 At may isa pang anghel na lumabas mula sa banal na dako. Siya ay sumigaw sa isang malakas na tinig sa nakaupo sa ulap na nagsasabi: Gamitin mo ang iyong karit at ipanggapas mo na. Ang dahilan ay dumating na ang oras upang ikaw ay gumapas. Ang aanihin sa lupa ay handa na.

Read full chapter