Add parallel Print Page Options

13 Ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa nga ng mga dakilang tanda. Pinababa nito ang apoy na mula sa langit sa lupa at sa harapan ng mga tao. 14 Inililigaw nito ang mga nananahan sa lupa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng unang mabangis na hayop. Sinabi nito sa mga tao na nakatira sa lupa, na gumawa sila ng isang larawan ng unang mabangis na hayop na nasugatan ng tabak at nabuhay ito. 15 Binigyan ito ng kapangyarihan ang ikalawang mabangis na hayop upang bigyan niya ng hininga ang larawan ng mabangis na hayop. Ang larawan ng mabangis na hayop ay magsasalita at ipapapatay niya sa mga tao ang mga hindi sumasamba sa larawan ng mabangis na hayop.

Read full chapter