Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Share feedback on the new Bible Gateway
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Share feedback on the new Bible Gateway
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • Explore
    • Bible News
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
FSV
Version
Bible Books Bible Books
FSV
Version
Read
Study
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
PrintPrintSettingsSettingsShareShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Pahayag 12  Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version

Ang Babae at ang Dragon

12 May isang kapansin-pansin na tanda na lumitaw sa langit: isang babaing nakadamit ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kanyang mga paa, at sa kanyang ulo ay isang koronang may labindalawang bituin. 2 Kagampan siya at sumisigaw sa hirap at sakit dala ng pagluluwal. 3 May isa (A) pang tandang lumitaw sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at sa mga ulo niya'y may pitong korona. 4 Kinaladkad (B) ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin ng langit at itinapon ang mga ito sa lupa. Pagkatapos ay tumayo ang dragon sa harap ng babaing malapit nang manganak, upang pagkapanganak ay lamunin ng dragon ang anak nito. 5 At ang (C) babai'y nagsilang ng isang batang lalaki na mamamahala sa lahat ng mga bansa gamit ang isang pamalong bakal. Ngunit inagaw ang kanyang anak at dinala sa Diyos at sa kanyang trono. 6 Tumakas ang babae patungo sa ilang, at doon ay ipinaghanda siya ng Diyos ng isang lugar upang maalagaan siya sa loob ng isang libo dalawandaan at animnapung araw.

7 At (D) nagkaroon ng digmaan sa langit; si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon. Nakipaglaban ang dragon at ang kanyang mga anghel, 8 ngunit natalo sila, at wala na ring lugar para sa kanila sa langit. 9 At itinapon (E) ang malaking dragon, ang matandang ahas, na tinatawag na Diyablo at Satanas, ang nandaraya sa buong daigdig. Itinapon siya sa lupa, kasama ang kanyang mga anghel.

10 At (F) pagkatapos ay isang malakas na tinig sa langit ang aking narinig:

“Dumating na ang pagliligtas, ang kapangyarihan,
    ang kaharian ng ating Diyos,
    at ang pamumuno ng kanyang Cristo,
sapagkat naitapon na ang nang-uusig sa ating mga kapatid,
    siya na nagpaparatang sa kanila sa harap ng ating Diyos araw at gabi.
11 Nagtagumpay sila laban sa kanya sa pamamagitan ng dugo ng Kordero
    at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo;
at hindi nila pinahalagahan ang kanilang buhay sa harap man ng kamatayan.
12 Kaya nga magalak kayo, kalangitan
    at pati na ang mga sa inyo'y naninirahan!
Ngunit kaylagim ng sasapitin ninyo, lupa at dagat,
    sapagkat sa inyo bumaba ang Diyablong may matinding galit,
    sapagkat alam niyang kaunti na lamang ang kanyang panahon!”

13 Nang mapagtanto ng dragon na siya'y itinapon na sa lupa, tinugis niya ang babaing nagsilang ng batang lalaki. 14 Ngunit (G) binigyan ang babae ng dalawang pakpak ng malaking agila, upang makalipad siya palayo sa ahas patungong ilang, upang doon ay maalagaan siya sa loob ng isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon. 15 At binugahan ng ahas ng tubig mula sa kanyang bibig ang babae; ito'y tulad ng isang ilog, upang tangayin nito ang babae. 16 Ngunit tinulungan ng lupa ang babae; nagbuka ng bibig ang lupa at nilunok ang ilog na ibinuga ng dragon. 17 Kaya sa tindi ng galit ng dragon sa babae, umalis iyon upang makipaglaban sa iba pang mga anak nito, sa mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at naninindigan sa patotoo ni Jesus. 18 Pagkatapos ay tumayo ang dragon sa dalampasigan.

Cross references

  1. 12:3 : Dan. 7:7
  2. 12:4 : Dan. 8:10
  3. 12:5 : a Isa. 66:7; b Awit 2:9
  4. 12:7 : Dan. 10:13, 21; 12:1; Ju. 9
  5. 12:9 : a Gen. 3:1; b Lu. 10:18
  6. 12:10 : Job 1:9-11; Zac. 3:1
  7. 12:14 : Dan. 7:25; 12:7
Next
Pahayag 11
Pahayag 13
Next
dropdown
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences