Add parallel Print Page Options

May kapamahalaan ang mga lalaking ito na isara ang langit upang hindi umulan sa mga araw ng kanilang paghahayag. May kapamahalaan sila sa tubig upang gawin itong dugo. May kapamahalaan silang saktan ang lupa ng lahat ng mga salot kailanman nila ibig.

Pagkatapos ng kanilang patotoo, ang mabangis na hayop na umahong palabas ng walang hanggang kalaliman ay makiki­pagdigma laban sa kanila. Sila ay lulupigin at papatayin nila. Malalagay sa lansangan ng kabilang lungsod ang kanilang mga katawan. Sodoma at Egipto ang espirituwal na pangalan ng dakilang lungsod. Doon ipinako ang ating Panginoon.

Read full chapter