Add parallel Print Page Options

Sila'y (A) may kapangyarihang isara ang langit upang huwag umulan sa mga araw na nagpapahayag sila ng propesiya. At mayroon din silang kapangyarihang gawing dugo ang tubig at bigyan ng anumang uri ng salot ang lupa, anumang oras nila ito naisin.

Nang matapos (B) na nila ang kanilang patotoo, makikipagdigmaan sa kanila ang hayop na umahon mula sa walang hangganang kalaliman, dadaigin at papatayin sila nito. (C) Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat sa lansangan ng malaking lungsod, na sa pananalitang espirituwal ay Sodoma at Ehipto, kung saan ang kanilang Panginoon ay ipinako sa krus.

Read full chapter