Add parallel Print Page Options

At ang tinig na aking narinig mula sa langit ay muling nagsasabi sa akin: Yumaon ka. Kunin mo ang bukas na munting aklat sa kamay ng anghel na nakatuntong sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.

At ako ay pumunta sa anghel at sinabi ko sa kaniya: Ibigay mo sa akin ang munting balumbon. At sinabi niya sa akin: Kunin mo at kainin mong lahat ito. Paaasimin nito ang iyong tiyan. Ngunit sa iyong bibig, matamis itong katulad ng pulot. 10 At kinuha ko ang munting aklat mula sa kamay ng anghel. Kinain kong lahat ito. Sa aking bibig ay matamis itong katulad ng pulot. Nang kainin ko ito, naging mapait ang tiyan ko.

Read full chapter