Add parallel Print Page Options

At (A) nagsalitang muli ang tinig na narinig ko mula sa langit, “Humayo ka, kunin mo ang bukas na balumbon sa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.” Kaya pumunta ako sa anghel at hiningi ko sa kanya ang munting balumbon. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo, at kainin mo; mapait ito sa tiyan, subalit sintamis naman ng pulot sa iyong bibig.” 10 Inabot ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ito. Kasintamis ito ng pulot, subalit nang makain ko'y pumait ang tiyan ko.

Read full chapter