Add parallel Print Page Options

Ang Anghel at ang Maliit na Balumbon na Aklat

10 Nakita ko ang isa pang malakas na anghel na bumababang mula sa langit na nadaramtan ng ulap na may bahag-hari sa kaniyang ulo. Ang kaniyang mukha ay katulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay katulad ng mga paa ng haligi ng apoy.

Mayroon siyang isang bukas na munting aklat sa kaniyang kamay. Ang kaniyang kanang paa ay nakatuntong sa dagat at ang kaniyang kaliwang paa ay sa lupa. Sumigaw siya nang malakas na tinig na katulad ng leong umaatungal. At nang sumigaw siya, ang pitong kulog ay nagsalita sa pamamagitan ng kani-kanilang mga tinig.

Read full chapter