Add parallel Print Page Options

Ang Anghel at ang Maliit na Balumbon

10 Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na bumababa mula sa langit. Siya'y nababalutan ng ulap at may bahaghari sa kanyang ulo; ang mukha niya ay tulad ng araw, at ang kanyang mga binti ay parang mga haliging apoy. May hawak siyang maliit na balumbong nakabukas. Itinapak niya sa dagat ang kanyang kanang paa, at sa lupa ang kaliwa. Sumigaw siya nang napakalakas, tulad ng isang leong umaatungal. Pagsigaw niya, dumagundong ang pitong kulog.

Read full chapter