Add parallel Print Page Options

Tingnan(A) ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga tumusok sa kanya; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Magkagayon nawa. Amen.

“Ako(B) ang Alpha at ang Omega,”[a] sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang kasalukuyan, nakaraan, at darating.

Isang Pangitain tungkol kay Cristo

Ako'y si Juan, ang inyong kapatid at kasama sa kapighatian at pagtitiis na nararanasan ng mga kabilang sa kanyang kaharian dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Noon ako'y nasa isla ng Patmos sapagkat ipinangaral ko ang salita ng Diyos at nagpatotoo ako para kay Jesus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8 ANG ALPHA AT ANG OMEGA: Ang una at huling letra sa alpabetong Griego.