Font Size
Pahayag 1:7-9
Magandang Balita Biblia
Pahayag 1:7-9
Magandang Balita Biblia
7 Tingnan(A) ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga tumusok sa kanya; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Magkagayon nawa. Amen.
8 “Ako(B) ang Alpha at ang Omega,”[a] sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang kasalukuyan, nakaraan, at darating.
Isang Pangitain tungkol kay Cristo
9 Ako'y si Juan, ang inyong kapatid at kasama sa kapighatian at pagtitiis na nararanasan ng mga kabilang sa kanyang kaharian dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Noon ako'y nasa isla ng Patmos sapagkat ipinangaral ko ang salita ng Diyos at nagpatotoo ako para kay Jesus.
Read full chapterFootnotes
- Pahayag 1:8 ANG ALPHA AT ANG OMEGA: Ang una at huling letra sa alpabetong Griego.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.