Add parallel Print Page Options

Tingnan (A) ninyo! Dumarating siyang nasa mga ulap;
    makikita siya ng bawat mata,
maging ng mga sumaksak sa kanya,
    at tatangis dahil sa kanya ang lahat ng lipi sa daigdig.

Mangyari nawa. Amen.

“Ako (B) ang Alpha at ang Omega,” ang sabi ng Panginoong Diyos, na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Pangitain tungkol kay Cristo

Akong si Juan, ang inyong kapatid na kabahagi ninyo sa pag-uusig, sa kaharian at sa pagtitiis para kay Jesus, ay nasa pulo na tinatawag na Patmos alang-alang sa salita ng Diyos at pagpapatotoo ni Jesus.

Read full chapter