Add parallel Print Page Options

Ginawa niya tayong mga hari[a] at mga pari upang maglingkod sa Dios na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailanman. Amen.

Magsipaghanda kayo! Darating si Jesus na nasa mga ulap. Makikita siya ng lahat ng tao, pati na ng mga pumatay sa kanya. At iiyak ang mga tao sa lahat ng bansa sa mundo dahil sa takot nilang sila ay parurusahan na niya. Totoo ito at talagang mangyayari.

Ang Panginoong Dios ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:6 mga hari: o, isang kaharian.
  2. 1:8 Ako ang Alpha at ang Omega: Ang ibig sabihin ni Jesus, siya ang simula at ang katapusan ng lahat. Ang alpha ang unang letra sa alpabetong Griego at ang omega ang huling letra.