Add parallel Print Page Options

Mula (A) kay Juan: Sa pitong iglesya sa Asia:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa kanya na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, at mula sa pitong espiritu na nasa harapan ng kanyang trono, at (B) mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan, at pinuno ng mga hari sa lupa.

Doon sa umiibig at nagpalaya[a] sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo, at ginawa (C) tayong isang kaharian, mga pari para sa kanyang Diyos at Ama, sa kanya ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman. Amen.

Tingnan (D) ninyo! Dumarating siyang nasa mga ulap;
    makikita siya ng bawat mata,
maging ng mga sumaksak sa kanya,
    at tatangis dahil sa kanya ang lahat ng lipi sa daigdig.

Mangyari nawa. Amen.

“Ako (E) ang Alpha at ang Omega,” ang sabi ng Panginoong Diyos, na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Pangitain tungkol kay Cristo

Akong si Juan, ang inyong kapatid na kabahagi ninyo sa pag-uusig, sa kaharian at sa pagtitiis para kay Jesus, ay nasa pulo na tinatawag na Patmos alang-alang sa salita ng Diyos at pagpapatotoo ni Jesus. 10 Sa araw ng Panginoon, ako ay nasa Espiritu, at narinig ko sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang sa trumpeta 11 na nagsasabi, “Isulat mo sa balumbon ang nakikita mo at ipadala mo ito sa pitong iglesya: sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia, at sa Laodicea.”

12 Lumingon ako para tingnan kung kaninong tinig ang nangusap sa akin. Sa aking paglingon nakakita ako ng pitong gintong ilawan, 13 (F) at sa gitna ng mga ilawang ito, nakita ko ang isang gaya ng Anak ng Tao na nakasuot ng mahabang damit at sa kanyang dibdib ay may bumabalot na gintong bigkis. 14 Ang (G) (H) kanyang ulo at buhok ay puti tulad ng balahibo ng tupa, kasimputi ng niebe; ang kanyang mga mata'y tulad ng ningas ng apoy, 15 (I) ang kanyang mga paa'y tulad ng tansong pinakintab na parang dinalisay sa pugon, at ang kanyang tinig ay tulad ng ingay ng rumaragasang tubig.

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 1:5 Sa ibang manuskrito naghugas.

At (A) narinig ko ang parang tinig ng napakaraming tao, tulad ng lagaslas ng maraming tubig at tulad ng malalakas na dagundong ng kulog, na nagsasabi,

“Aleluia!
Sapagkat ang Panginoon nating Diyos
    na Makapangyarihan sa lahat ay naghahari.

Read full chapter