Add parallel Print Page Options

13 Sa kalagitnaan ng pitong gintong lagayan ng ilawan ay may isang katulad ng Anak ng Tao. Siya ay nakasuot ng isang kasuotan na umaabot sa paa. Siya ay may isang gintong pamigkis na nakabigkis sa palibot ng kaniyang dibdib. 14 Ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay katulad ng maputing lana, kasimputi ng niyebe. Ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy. 15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng makinang na tanso na katulad din ng pinakinang sa pugon. Ang kaniyang tinig ay katulad ng ugong ng maraming tubig.

Read full chapter