Pahayag 2:26-27
Magandang Balita Biblia
26 Sa(A) magtatagumpay at tutupad ng ipinapagawa ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa. 27 Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok.
Read full chapter
Pahayag 2:26-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
26 Sa (A) sinumang nagtatagumpay at nagpapatuloy sa paggawa ng mga gawain ko hanggang sa katapusan,
Bibigyan ko siya ng kapangyarihan sa mga bansa;
27 upang mamuno sa kanila gamit ang isang pamalong bakal,
upang duruging parang mga pasô—
Pahayag 12:5
Magandang Balita Biblia
5 Ang(A) babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.
Read full chapter
Pahayag 12:5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 At ang (A) babai'y nagsilang ng isang batang lalaki na mamamahala sa lahat ng mga bansa gamit ang isang pamalong bakal. Ngunit inagaw ang kanyang anak at dinala sa Diyos at sa kanyang trono.
Read full chapter
Pahayag 19:15
Magandang Balita Biblia
15 May(A) matalim na tabak na lumalabas sa kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Read full chapter
Pahayag 19:15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Mula (A) sa kanyang bibig ay lumalabas ang isang matalas na tabak na pantaga sa mga bansa, at siya ay maghahari sa kanila gamit ang tungkod na bakal. Tatapak-tapakan niya ang mga ubas sa pisaan upang lumabas ang katas ng bagsik ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.