Add parallel Print Page Options

25 Pinasok(A) nila at sinakop ang mga may pader na lunsod.
    Nakuha nila ang matataba nilang lupain, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian:
    mga bahay na puno ng kayamanan,
    mga balon, mga ubasan, taniman ng olibo at mga bungangkahoy.
Sagana sila sa pagkain at lumusog ang kanilang katawan,
    at tuwang-tuwa sila sa iyong dakilang kabutihan.

26 “Ngunit(B) (C) kinalaban ka pa rin nila,
    at tinalikuran nila ang iyong Kautusan.
Pinatay nila ang iyong mga propeta
    na isinugo mo upang sila'y panumbalikin sa iyo.
Patuloy ka nilang hinahamak.
27 Dahil sa ginawa nila, pinabayaan mong sakupin sila ng kanilang mga kaaway,
    ipinaalipin mo sila at pinahirapan.
Ngunit nang sila'y tumawag sa iyo,
    pinakinggan mo pa rin sila mula sa langit.
Sa habag mo sa kanila,
    binigyan mo sila ng mga pinunong sa kanila'y magliligtas.

Read full chapter