Add parallel Print Page Options

16 Ngunit(A) naging palalo ang aming mga ninuno,
    nagmatigas sila at sinuway ang mga utos mo.
17 Hindi(B) sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila.
Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinuno
    na mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto.
Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin,
    hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig,
    kaya't sila'y hindi mo itinakwil.
18 Gumawa(C) rin sila ng diyus-diyosang guya,
    at sinabing iyon ang diyos na naglabas sa kanila mula sa Egipto.
Labis ka nilang nilapastangan!

Read full chapter