Add parallel Print Page Options

Mga taga-Jerusalem, ihanda ninyo ang inyong mga kawal, dahil napapaligiran na kayo ng mga kalaban. Hahampasin nila ng tungkod ang mukha ng pinuno ng Israel.

Ang Ipinangakong Pinuno mula sa Betlehem

Sinabi ng Panginoon, “Betlehem Efrata, kahit na isa ka sa pinakamaliit[a] na bayan sa Juda, manggagaling sa iyo ang taong maglilingkod sa akin bilang pinuno ng Israel. Ang kanyang mga ninuno ay kilalang-kilala noong unang panahon.”

Kaya ang mga mamamayan ng Israel ay ipapaubaya ng Panginoon sa kanilang mga kaaway hanggang sa maisilang ng babaeng namimilipit sa sakit[b] ang sanggol na lalaki na mamumuno sa Israel. Pagkatapos, ang mga kababayan ng pinunong ito na nabihag ng ibang bansa ay babalik sa kanilang mga kapwa Israelita.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:2 pinakamaliit: o, pinakaaba.
  2. 5:3 babaeng namimilipit sa sakit: Maaaring ang tinutukoy ay ang Jerusalem (tingnan sa 4:9-10). Sa panahong pinamumunuan ng mga kalaban ang mga Israelita, ipinanganak ang kanilang pinuno na magliligtas sa kanila.