Add parallel Print Page Options

18 Siya'y uhaw na uhaw at siya'y tumawag sa Panginoon, “Iyong ibinigay itong dakilang pagliligtas sa kamay ng iyong lingkod, at ngayo'y mamamatay ba ako sa uhaw at mahuhulog sa kamay ng mga hindi tuli?”

19 Ngunit binuksan ng Diyos ang isang guwang na nasa Lehi at nilabasan iyon ng tubig. Nang siya'y makainom, ang kanyang diwa ay nanumbalik at siya'y muling nagkamalay. Kaya't ang pangalan niyon ay tinawag na En-hacore,[a] na nasa Lehi hanggang sa araw na ito.

20 Siya'y naghukom sa Israel sa mga araw ng mga Filisteo ng dalawampung taon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 15:19 o Ang bukal ng tumawag .