Add parallel Print Page Options

12 Minsan lamang siya pumasok sa Dakong Kabanal-banalan, at ang bisa nito'y magpakailanman. Sa kanyang pagpasok, hindi dugo ng mga kambing at ng mga toro ang kanyang ihinandog, kundi ang kanyang sariling dugo, at dahil dito ay nakamit natin ang walang hangang katubusan. 13 Sapagkat (A) kung nakapaglilinis ng pagkatao ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, kasama ang abo ng dumalagang baka, kung ang mga ito ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi upang sila’y gawing malinis, 14 higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay walang dungis na ihinandog niya ang kanyang sarili sa Diyos, upang linisin ang ating mga budhi mula sa mga gawang patay upang tayo'y maglingkod sa Diyos na buháy.

Read full chapter