Add parallel Print Page Options

25 Dahil dito, sa lahat ng panahon ay kaya niyang iligtas ang lahat[a] ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, yamang lagi siyang nabubuhay upang mamagitan para sa kanila.

26 Nararapat lang, kung gayon, na magkaroon tayo ng ganoong Kataas-taasang Pari na banal, walang sala, walang dungis, inihiwalay sa mga makasalanan, at naging mas mataas kaysa mga langit. 27 Hindi (A) katulad ng ibang mga Kataas-taasang Pari, hindi niya kailangang maghandog ng alay araw-araw, una'y para sa kanyang sariling mga kasalanan, at para na rin sa mga kasalanan ng bayan. Nang ihandog niya ang kanyang sarili, ang kanyang handog ay minsan lamang, at ang bisa'y magpakailanman.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hebreo 7:25 o kaya'y kaya niyang iligtas nang lubusan ang lahat.