Add parallel Print Page Options

10 Tayo ay may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa tabernakulo ay walang karapatang kumain doon. 11 Sapagkat (A) dinadala ng Kataas-taasang Pari sa Dakong Kabanal-banalan ang dugo ng mga hayop bilang alay dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Ganoon din ang nangyari kay Jesus. Nagdusa siya sa labas ng lungsod upang sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo ay gawin niyang banal ang mga taong-bayan.

Read full chapter