Add parallel Print Page Options

Kaya't sinabi ko, ‘Masdan mo, O Diyos, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban,
    gaya ng sinasaad tungkol sa akin, sa balumbon ng Kasulatan.’

Nang sabihin niya na, “Alay at handog, hindi mo kinalugdan; sa mga handog para sa kasalanan, sa mga handog na sinusunog,” na ihinahandog ayon sa Kautusan, idinagdag din niya, “Masdan mo, O Diyos, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang pag-aalay upang bigyang-daan ang pangalawa, ang pag-aalay ni Cristo.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hebreo 10:9 Sa Griyego, Inalis niya ang una, upang itatag ang ikalawa.