Add parallel Print Page Options

10 Ang Kautusan ay nagtataglay ng anino lamang ng mabubuting bagay na darating at hindi ng totoong anyo ng mga iyon. Kaya, kailanman ay hindi kaya ng kautusan na gawing ganap ang mga lumalapit sa pamamagitan ng mga alay na laging ihinahandog taun-taon. Kung hindi gayon, sana ay tinigil na ang paghahandog ng mga iyon, kung ang mga sumasamba na nalinis nang minsan ay wala nang kamalayan sa kanilang kasalanan.

Read full chapter