Add parallel Print Page Options

Tungkol(A) sa mga anghel ay sinasabi niya,

“Ginagawa niyang mga hangin ang mga anghel,
    at ang kanyang mga lingkod ay ningas ng apoy.”

Ngunit,(B) tungkol naman sa Anak ay sinasabi niya,

“Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanman;
    at ang setro ng katuwiran ang siyang setro ng iyong kaharian.
Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan ang kasamaan;
kaya't ang Diyos, ang Diyos mo, ay binuhusan ka
    ng langis ng kagalakang higit pa sa iyong mga kasamahan.”

Read full chapter