Add parallel Print Page Options

Sapagkat(A) kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

“Ikaw ang aking Anak,
    mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”

Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,

“Ako'y magiging kanyang Ama,
    at siya'y magiging aking Anak.”

At(B) nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,

“Dapat siyang sambahin ng lahat ng mga

anghel ng Diyos.”

Tungkol(C) naman sa mga anghel ay sinabi niya,

“Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel,
    at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”

Read full chapter