Add parallel Print Page Options

Nakikita(A) sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.

Mas Dakila ang Anak kaysa sa mga Anghel

Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila. Sapagkat(B) kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

“Ikaw ang aking Anak,
    mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”

Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,

“Ako'y magiging kanyang Ama,
    at siya'y magiging aking Anak.”

Read full chapter