Add parallel Print Page Options

Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.

Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel

Sinabi (A) ba ito ng Diyos kailanman kahit kaninong anghel,

“Ikaw ang aking Anak,
    naging Ama mo ako ngayon”?

o kaya nama'y,

“Ako'y magiging Ama niya,
    at siya'y magiging Anak ko”?

Read full chapter