Add parallel Print Page Options

Siya ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Diyos[a] at tunay na larawan ng kanyang likas, at kanyang inaalalayan ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita. Nang magawa na niya ang paglilinis ng mga kasalanan, siya ay umupo sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasan,

palibhasa'y naging higit na mataas kaysa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng higit na marilag na pangalan kaysa kanila.

Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel

Sapagkat(A) kanino sa mga anghel sinabi ng Diyos[b] kailanman,

“Ikaw ay aking Anak,
    ako ngayon ay naging iyong Ama?”

At muli,

“Ako'y magiging kanyang Ama,
    at siya'y magiging aking Anak?”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hebreo 1:3 Sa Griyego ay niya .
  2. Mga Hebreo 1:5 Sa Griyego ay niya .