Add parallel Print Page Options

10 Sa Damasco ay may isang alagad na ang pangala'y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa pamamagitan ng isang pangitain, “Ananias!”

“Ano po iyon, Panginoon,” tugon niya.

11 Sinabi ng Panginoon, “Pumunta ka sa kalyeng tinatawag na Tuwid, sa bahay ni Judas, at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tarso na ang pangala'y Saulo. Siya'y nananalangin ngayon. 12 [Sa isang pangitain],[a] nakita ka niyang pumasok sa kinaroroonan niya at pinatungan mo siya ng kamay upang siya'y makakitang muli.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 9:12 Sa isang pangitain: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.