Add parallel Print Page Options

Nagtipon naman si Pablo ng kahoy. At nang nailagay na niya ang mga iyon sa siga, lumabas ang isang ulupong nang mainitan, at pumulupot sa kanyang kamay. Nang makita ng mga katutubo ang ulupong na nakabitin sa kanyang kamay, nasabi nila sa isa't isa, “Tiyak na mamamatay-tao ang taong ito. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman hinayaan ng Katarungan na siya'y mabuhay.” Subalit ipinagpag ni Pablo ang ulupong sa apoy at hindi man lamang siya nasaktan.

Read full chapter