Add parallel Print Page Options

22 Hanggang ngayon ay hindi ako pinababayaan ng Diyos. Kaya't nakatayo ako ngayon sa inyong harapan at nagpapatotoo sa lahat ng tao maging dakila o hamak. Wala akong itinuturo kundi ang mangyayari na sinabi ng mga propeta at ni Moises: 23 na (A) ang Cristo ay dapat magdusa, at bilang unang muling nabuhay mula sa kamatayan, ay ihayag ang liwanag sa Judio at sa mga Hentil.” 24 Habang sinasabi pa niya ang mga ito, malakas na sinabi ni Festo, “Nababaliw ka, Pablo! Ang labis mong karunungan ang nagpapabaliw sa iyo!”

Read full chapter