Font Size
Mga Gawa 26:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 26:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Ililigtas kita mula sa mga kababayan mong Judio at gayundin sa mga Hentil kung saan kita isusugo. 18 Imumulat mo ang kanilang mga mata, ibabalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, ililigtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibabalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at mabibigyan ng lugar kasama ng mga taong ginawang banal ng Diyos.’”
Isinalaysay ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod
19 “Dahil dito, Haring Agripa, hindi po ako sumuway sa pangitaing mula sa langit.
Read full chapter