Add parallel Print Page Options

18 Nang tumayo ang mga nagsasakdal, walang anuman sa kanilang mga paratang ang mabigat gaya ng inakala kong ipaparatang nila. 19 Sa halip, ang pinagtalunan nila'y tungkol sa kanilang relihiyon, at tungkol sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit pinaninindigan ni Pablo na siya'y buháy. 20 Dahil naguguluhan ako tungkol dito, tinanong ko si Pablo kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin tungkol sa mga paratang na ito.

Read full chapter